Monday, August 9, 2010

Paalam Aking Mahal


Joselito Asi (c) 8 Agosto 2010
 
Akala ko’y tuluyan ka nang nawaglit
Sa isip at puso ko’y ikaw’y tinikis
Lahat ng nangyari’y pilit na inalis
‘Pagkat walang magandang bunga ang maling pag-ibig.

Ngunit ang tadhana’y sadyang mapaglaro
Nakita kang minsang walang kibo
Iiwasan ka sana’t agad akong lalayo.
Ngunit tumimbuwang nadagil ang pinto.

Halakhakan ay di magkamayaw,
Munting pagkakamali ko’y agad sinumbatan
Ngunit nang tingnan ka sa dakong likuran
Kamay mo’y inabot, hiya ko’y naparam

Puso ko’y walang tigil sa pagpintig
Kapag kasama kita’y lagi nang may kilig
Ngunit batid kong mali’t di dapat ipilit
Dahil ikakasal ka na sa kaibigang matalik.

At tayo nga ay nagka’walay
Luha ko kanina’y ngayo’y hikbi naman
Kabiguang dulot tila magpakailanman
Kawangis ng kandila sa init ay nalulusaw.

Agad akong umuwi’t kumuha ng punyal
Isang saksak agad kong iniunday
Sa puso kong bigo sakit ay ninamnam
Buhay kong ito’y akin nang wawakasan

Ngunit bago ako lumisan
Sana'y marinig mo aking hirang
Paalam, paalam
Paalam aking mahal.

1 comment:

Anonymous said...

ok a. nakaka-touch naman