Monday, April 21, 2014

Para kay Gigi Reyes

Para kay "Gigi Reyes":

Siguro naman sa pag-uwi mo ay may mabuti kang maitutulong sa ating bansa. Aping api na ang bansang Pilipinas alam mo iyan. Ituwid mo na ang sa tingin naming mga ordinaryong mamayan ay patuloy na pagyurak sa kaban ng bayan. Nakapagtataka naman kung bakit kaapelyido mo pa ang isang heneral na katulad mo'y nadamay rin sa akusasyon sa paglustay ng yaman ng Pilipinas. Subalit marahil ay iba ka sa kanya dahil buhay ka at may pagkakataon ka pang ipaalam sa bayan ang iyong nalalaman sa tandisang paglustay ng ating yaman. Ibangon mo ang iyong pangalan at ang karangalan. Nawa'y mabigyan mo nang linaw ang dumidilim na katotohanan. Sana ang lahat nang ikikilos mo ay para sa bayan!